Para kay ex, ang lalakeng may-ari ng white mini-usb fan ko.
Friday, December 31, 2010 @ 11:28 AM
Gusto ko sanang ibigay sayo ang letter na ito in person pero talagang ang love story natin laging sablay sa time at timing. Dalawang beses tayong hindi nag-abot dahil a.) Ayaw mo kasing naghihintay, b.) Antagal ko kasing dumating, o c.) Both, meaning NMTB lang talaga tayo :P Gusto kitang i-email, pero natatakot ako. Alam nating dalawa kung bakit. Kaya sa ganitong paraan na lang. Dito na lang sa aking secret blog. Kung mabasa mo ito, ibig sabihin tama na ang panahon at deserve mo ng mabasa at malaman ang mga bagay na gusto kong sabihin sa'yo. :)
December 27, 2010
Dear C*********, C***, ex-baby, ex-akachan, ex-bews, ex-my Ne-yo, Toffee,
Magiging napaka-ipokrita ko kung ide-deny ko na ang huling bahagi ng 2009 at malaking bahagi ng 2010 ko ay tungkol sayo. Ikaw naman talaga ang totoong nagbigay kulay sa buhay ko sa taong ito bagamat hindi puro bright colors ang ginamit mo. Haha. :P Andaming nangyari sa atin sa taong ito kaya bago matapos ang year na ito, may ilang importanteng bagay na gusto kong malaman mo.
First, sorry rin. :( Nasabi ko naman na sayo noon yung tingin ko ay pagiging unfair at selfish mo noon tungkol sa sitwasyon natin. Sa simula pa lang, sabi ko naman sayo ako na lang ang aalis pero ayaw mong pumayag noon, yun naman pala after a while ako rin naman pala ang iiwan mo. Pakiramdam ko noon ginamit mo lang ako, na hinanap mo lang sa akin yung wala siya na meron ako, na you wanted the best of both worlds kasi that time. Pinili mong mag-stay sa relationship ninyo pero ayaw mo rin akong completely mawala sa buhay mo noon. Ang hirap, ang sakit. Ilang beses kong sinubukang iwan ka pero tuwing nakikita ko sa mga mata mo na nalulungkot ka naman, hindi ko kinakaya. Hindi ko kayang makita at maramdamang malungkot ka kahit konti kaya nilunok ko ang pride ko at tinanggap kong number 2 na lang talaga ako. Sabi ko sa sarili ko, bahala na, kakayanin ko na lang kahit maging sobrang sakit basta hindi kita iiwan, hanggat kailangan mo ko andun lang ako sa tabi mo. Ngunit hindi ko lubusang napangatawanan ang pangako ko noong magiging happy pill mo ako, ni-try ko naman hanggat kaya ko kaso noong umamin kang may isa pang babae bukod sa aming dalawa sa isip mo, tuluyang nadurog ang puso ko at hindi ko na kinaya. Para kasi talagang sinampal mo ako ng malakas that night. Kaya ayun sort of gumanti ako sayo sa paraan na sinadya kong iparamdam sayo na lahat na lang ng mga ginagawa mo para sa akin ay mali o kaya ay kulang. Hindi na ako naging fun kasama. Masyado talaga kasi akong nasaktan na aminado akong after nang gabing yun, maraming beses na nakalimutan ko nang i-consider na maaaring nasasaktan ka rin sa mga nangyayari at nasasaktan na rin kita ng sobra. Sorry. Sorry rin sa mga panahon na alam kong pagod na pagod ka na sa trabaho pero inaway pa kita dahil tamang hinala ako, sa mga panahong napahiya ka dahil nakita ako nang ibang tao na umiiyak habang kasama ka, sa mga panahong dapat ay nakapag-early bird ka pero hinihintay mo ako hanggang 11pm para ihatid sa sakayan, sa pagsabay mo sa akin sa mrt, sa bus, sa cab kahit taliwas sa direksyon pauwi sa bahay ninyo, sa paggising mo nang 5:30am kahit gusto mo pang matulog para tawagan ako at nang hindi ako ma-late pagpasok, sa mga umagang nahihilo ka na sa gutom pero hindi ka makakain nang breakfast dahil wala pa ako, sa mga away na pikon na pikon ka na sa akin pero hindi mo ako iniwan kahit kelan dahil ayaw mong umuwi tayo nang magkaaway, sa mga panahong naipit ka sa trabaho at sa akin, sa pagsisinungaling ko sayo sa mga pagkakataong tinatanong mo ako kung naging masaya ba ako at sinasabi kong hindi. Sorry ha. :( Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko, pero gusto kong malaman mo na totoong minahal kita noon to the point na narealize ko noon na despite having had relationships in the past, noon pa lang pala ako talagang nagmahal, siguro nga lang naging mali ang paraan ko para maramdaman mo yun at talagang sablay kasi ang timing nating dalawa. Pero oo, naging masaya naman ako noon with you.
Second, thank you sa maraming beses na pinatawa, pinangiti, pina-blush, pinasaya, pinalakas ang loob, at pinaramdam mo na espesyal ako sayo. :) Thank you sa mga texts mo noon, alam kong hindi ka mahilig mag-text, sa paghihintay araw-araw kahit alam kong ayaw na ayaw mong naghihintay. Salamat sa pang-aasar at concern mo, nakalibre ako ng luscious lychee sa Big Chill, natuto akong mag-speed typing, na-experience kong mag-jogging sa Ayala Triangle Park, natuto kahit papano mag-jump rope, mag-pinoy henyo habang tumatakbo, tinanggap ang pagiging QA, sinipag ulit magluto, madalas kumain ng tortang talong, nagpaluto ng pritong bangus na may kamatis at sibuyas sa loob, nalaman na may Strubere Pepsi at Vanilla Coke pala noon, natutong maglaro ng Flyff online, nakilala at natawa kina Sheldon, Leonard, at Penny, narinig ang boses ng Dashboard Confessional, Oasis, Linkin Park, nakakain sa Kenny Rogers sa Dela Rosa car park, natuklasan na ang katapat ng greeting na “Morning sunshine!” ay “Evening moonlight!” at marami pang iba. Sa totoo lang, marami kang naituro sa akin. Yung iba, mga bagay na hindi mo nga siguro alam ay naituro mo sa akin along the way, yung mga statements na corny at cheesy pero totoo nga pala. :P
Third, I have finally whole-heartedly forgiven you. O:-) Last July, nanginginig ako sa sama ng loob tuwing naririnig ko ang pangalan mo, ang boses mo, ang steps mo, o kaya kapag hindi sinasadyang magkasalubong tayo. Higit kasi sa lahat ng nangyari, hindi ko kasi matanggap noon na nakaya mong sabihin sa akin na mamatay na ako at pokpok ako. :( Sabi ko sa sarili ko noon, siguro nga hindi mo naman talaga ako na-appreciate dahil sa kabila nang lahat ng tiniis ko para sayo, nagawa mong sabihin sa akin yun. Kaya akala ko matagal na panahon pa ang kailangang palipasin bago ko magawang maka-move on sa sama ng loob ko sayo dahil hindi naman simple ang nangyari pero nagpapasalamat ako sa undying support ni Lord, ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko, ilang kaibigan mo na naging kaibigan ko rin, at naappreciate ko naman yung effort mo bago ako umalis sa office. Hindi ko alam exactly kung paano nangyari pero napatawad na kita. Napatunayan ko yun noong hindi ko sinasadyang mapanood sa Cinema One ang movie nating Miss You Like Crazy. Haha. :P Kung noong unang beses na pinanood natin iyon eh iyak ako ng iyak sa sinehan, this time napa-smile na lang ako. Kung tatanungin ako kung wini-wish ko ba na sana hindi na lang tayo nagkakilala, na sana hindi na lang nangyari ang lahat. Gugustuhin ko pa ring nagkakilala tayo, na naging importanteng tao ka sa buhay ko. Alam kong maaring hindi ko muling nakilala, natanggap, at mahal ang sarili ko ngayon, ang buhay na pinagkaloob ni Lord sa akin, at lahat ng mga taong parte nito kung wala ang tulong mo. Naging masakit man ang ginamit na paraan para marealize ko ang mga bagay-bagay na ito, masasabi kong it's worth it. Sabi nga ni Dr. Seuss, "Don't cry because it's over. Smile because it happened." Nahanap ko na ang closure na hinahanap ko, at masaya akong nangyari yun nang hindi natin pinipilit, hindi katulad noon. Kaya iwanan na natin sa 2010 ang lahat nang bitterness, heavy thoughts, at nega vibes tungkol sa atin noon. Let bygones be bygones. Past is past na. Sana rin dumating ang panahon na mapatawad niya tayo completely. Sana talaga. :)
Again, be happy. That’s what I’ve always wanted you to be. I wish you the best! Happy New Year! God Bless You! [hindi sarcastic :P]
\m/
K****, ****, ***, Ex-Baby, Ex-Akachan, Ex-Bews, Ex-Frenchie Dy, Orc ^^
Labels: a doodle of forgiveness from an ex-girlfriend
